Ghost in Youtube
“WOOOOOAAAHH!!”
Ito lang ang aking naisigaw matapos kong mapanuod ang isang video sa youtube.
Eh kasi naman yung kapatid ko, pinapanuod ba naman ako ng video sa youtube- yung multo. Ang masaklap dun, hindi ko alam na ghost video pala yun:( wawa naman ako. May batang babae kasi dun sa video tapos habang nagsusuklay siya tinawag siya ng tatay niya na may nakatuktok na videocam sa kanya. Tapos humarap siya sa tatay niya. Pagharap niya sa tatay niya nagulat ako dahil yung image dun sa mirror na likod ng bata eh biglang humarap at tumingin sa bata. Waaa! Grabe! (sino ba namang hindi matatakot dun noh!) Nagtatakbo ako palabas sa kwarto papunta sa sala na parang nakawalang anak ni King kong. Nako! baka hindi ako makapaghilamos sa C.R. namin:(. Eh kasi naman ang loob ng C.R. namin puro salamin. Gusto yata ng nanay kong magpatayo ng parlor sa loob ng C.R. namin eh.
Pero sabi naman ng Kuya ko eh hindi naman daw totoo yun, dahil inedit lng daw dun sa computer. Tingnan mo nga naman napakahigh-tech na talaga ang panahon ngayon, pati ang multo eh nagagawa na ng mga tao. Pano pa kaya sa future? Ano na kaya ang magagawa ng tao? Sana may mga wizard school na
papasok ako dun kung sakali:D hehe..