BAck 2 SchOoL

“OHEMGEE!!”

Hindi ko alam kung matutuwa ako or malulungkot dahil malapit na ang pasukan:):( natutuwa ako dahil magkikitakita na naman kami ng mga kaibigan ko at mga clasm8 ko at mga teachers ko at syempre ang crush ko:) pero nalulungkot ako dahil sa limang kadahilanan….

Ito ang mga sumusunod:

1* Mamimis ko ang pagtulog ko ng mahimbing, yung tipong hindi na ko magigising mula sa aking panaginip. Lalo na kapag kasama ko sa aking panaginip yung Prince Charming ko:) hmmmm… Hindi na ko magigising ng maliwanag na ang buong kwarto dahil sumikat na ang araw, pero ngayong malapit na matapos ang aking kaligayahan, magigising na lang ko ng
hindi pa sumisikat ang araw at pipilitin kong maligo ng malamig na tubig (yung tipong magiging yelo ang parte ng katawan mo kung san napatakan ng water) sa aming tuyong bathroom (meaning ako ang unang gagamit ng BR).

2* Mawawalan na ko ng lakas ng loob na magbuhos ng tubig sa aking katawan ng biglaan ng hindi alintana ang lamig ng tubig. (ang mga paliwanag ay nabanggit na sa naunang dahilan. ang gulo noh! ) hehe:P intindihin mo na lang, tutal nakikibasa ka lang naman eh (joke!3X) :D

3* Magiging SUPER DUPER BUSY ako, IM SURE! at ayoko mangyari iyon. Ayokong magtatambakan ang aking mga homeworks, projects, etc… Mawawalan na ko ng time para mabasa ang paboritong kong books (OHHH! Wag naman sana! Diyos ko po, wag niyo pong pahihintulutang mangyari yun dahil alam na alam niyo naman pong lab na lab ko ang pagbabasa. Wag niyo po sanang ipagkait iyon sa akin:( huhu! )

4* Maistress na naman ako :( kapag naiistress ako, nagkakazits ako.. sana wag dumami yung zits ko:( ang kinis kinis na ng face ko eh, wag naman sanang magaspangin pa.

5* Gagraduate na ko sa higschool next year. Siguro iniisip niyo, Ang weird naman! bakit kaya ayaw pa ni Duday grumaduate? hmmm… Ayoko ko pa grumaduate kasi natatakot ako, hindi ko pa sure yung kursong kukuhain ko. Kung Destistry or Dermatology?.. hmm… hindi ko rin alam kung makakapasa ko sa entrance exam sa Unibersidad na gusto ko:(

How i wish na kinder palang ako ngayon:D mas masaya siguro.. hehe..:D

Mag-iwan ng Tugon