Yosi

May nagtanong saking isang kaibigan. Ang sabi “bakit kaya ang dami taong naadik sa yosi kahit na may sakit na sila hindi pa rin mapigilan?” ang sagot ko, “kaya nga adik sa yosi di ba, kasi adik, kapag adik hindi na mapigilan, kumbaga kasali na sa pangaraw araw na gawain. Para bng bisyo.”

Marami na rin sa kabataan ngayon ang nahuhumaling sa yosi. Bakit kaya? Siguro dahil masarap ang lasa. or para ipakita sa mga taong nakakakita sa kanya na marunong na siya magyosi. Kasi ang nasa isip nila, “kapag nagyoyosi ka, astig ka”, hahaha! or siguro kasi nacucurious sila kung anong pakiramdam kapag nagyoyosi. Kung anong lasa. Kung paano gawin yung mga style ng paglabas ng usok. Yung may mga hugis na heart, circle at spring ba. Or siguro trip lang nilang gawing tambutso ng sasakyan ang bunganga nila.

Kung ako ang pipiliin, mas gusto ko pa ang uminom ng alak kaysa manigarilyo, kasi mas marami ang makukuha mong sakit sa yosi, samantalang sa paginom ng alak kaunti lng. Pati may good effects ang alak, samantalang ang yosi wala. Oh sige, meron, pero isa lang. May nabasa ako habang nagsusurf sa net, ang sabi ay ang yosi daw ay nakakatulong para bumaba agad ay pagkain na iyong nakain at upang mailabas agad ito sa katawan. Pero di ibig sabihin nun na maganda ng magyosi lagi. Dahil ayon sa isang
pahayagan,(na hindi ko na maalala kung anong ngalan) na ang katumbas ng paghithit mo sa isang stick ng yosi ay ang 5minutes ng iyong buhay.

Kung ako ang naging presidente ng Pilipinas, ipagbabawal ko ang pagyoyosi. Kung sinong mahuli na nagyoyosi ay pagmumultahin ng 1000pesos. Pati nakakadagdag sa global warning ang usok mula sa yosi. Ang yosi naman kasi ay parang isang kending lang kung bilhin sa mga tindahan ng kahit sinuman. Dapat hindi pinagbebentahan ng mga tindero’t tindera ang mga batang bumibili ng yosi kahit na inutusan lang daw sila ng kanilang magulang. Kasi nagkalat na sa bansa natin ang mga batang naninigarilyo sa kalye at iba pang lugar. Nakakaawang tingnan na ang yosi ang ginagamit nila upang maalis ang kanilang gutom. Imbes na makita mo silang naglalaro, ay nakikita mo silang hithitbuga sa kanilang yosi. Pano na kaya future kung ipagpapatuloy ang gawaing ito? Pano na ang mundo? Hihintayin na lang ba nating masira muna ang mundo, bago tumigil? Kailangan ba munang hintaying may mangyaring hindi kanais nais bago itigil ang gawaing ito?

Sana hanggat maaga pa, itigil na ang paninigarilyo.

Isang Tugon to “Yosi”

  1. kailangan pa bang imomorize yan?
    yosi pa nga!…asust… :)
    whapppakkkkk!!!

Mag-iwan ng Tugon